20 plays

Nothing’s fine. I’m torn. :((

August 9, 2013 taken at John Amos Panganiban’s home sweet home.

Engineering Management Midterm Project. (PLM BS CpE 1st Semester SY 2013-2014; Under Engr. At this moment, I forgot his name)

We are supposed to create a video presentation about our interview to a manager.(A manager who must be working in a company related to our course)

2 persons is assigned per presentation—— PARTNERSHIP it is!!!

My partner is Joselle M. Sarmiento. But here, I will show you our video with my vivi —— Vivien Kate Sanchez.

She is not my partner, but we just decided to have a trip trip moments.

We’re so funny there! It is really obvious that we enjoyed that moment.

You may also notice that we are so handsome and beautiful. Perhaps comparable to Robi Domingo and Toni Gonzaga? HA-HA-HA. 

We could be a real host in a talk show someday, couldn’t we? Hahaha.

But before that, I think, we just need to fix first those “cute” teeth of ours. Sorry na ho. :3

Selfie-ing with my new puppy — Java. :))) We’re so cute diba? Huehuehue.

1 note

The Heroes Of Olympus | art

296 notes

Percy Jackson

“My name is Percy Jackson. Am I a troubled kid? Yeah. You could say that.”

What if? 

Kim Paulo Rico Serrano

"My name is Kim Paulo Rico Serrano. Am I a troubled kid? Yeah. You could say that."

K. :P

359 notes

E bakit.

E bakit malungkot ako?

E bakit naghahanap ako ng kalinga?

E bakit ganito ang nararamdaman ko kahit nandyan naman ang aking pamilya at mga kaibigan?

E bakit ba kasi nararamdaman ko itong pagnanasang magkaroon ng karelasyon?

E bakit hindi ko mabigyan ng kasagutan ang lahat ng mga katanungang ito?

PERSTAYMER.

NAKS. PERSTAYM BUMOTO. WELL, DAHIL PURO DALIRI ANG NASA  NEWSFEED NG FB, TWITTER, INSTAGRAM AT KUNG ANO PANG SITES ——- GUMAYA NA DIN AKO AT MEDYO INACTIVATE KO NA DIN ANG “SELFIE” MODE.

May 13, 2013. Monday.

Mga 5:50AM nagising na ako. Medyo excited. Gusto kasing sa umaga pa lang ay tapos na ako. Isa pa, hindi ko pa din alam kung saang presinto ko —- siyempre medyo baka matagalan pa ako sa paghahanap. Isa pa ulit, maglalakbay pa akong Gagalangin Tondo, mula dito sa 2nd Avenue Caloocan.

Siguro, kayo ay nagtataka kung bakit ako sa Tondo bumuboto. Ganito kasi yun… Ginamit ko ang address ng kamag-anak ng father side ko doon. Bakit? Kailangan ko kasi sa PLM. Kinakailangan kasing residence ka ng Maynila upang ika’y tanggapin sa Pamantasan.

Ayun. Hinanap namin ang aking precinct number. Precinct 0694B, tapos pang number 148 ako. Then, nag-antay ako hanggang sa tawagin na ako.

Noong tinawag na ako. Nakita ko yung picture ko nung nagregister ako sa Comelec. Nakita ko din ang aking pirma na nilagdaan ko digitally. Maayos naman pala. Then, pinapirma ako at binigay na sa akin ang balota.

12 Senators ang kailangan pero 6 lang ang binoto ko. Secret ko na lang ah? Pero sasabihin ko ang isa— si Gordon. Bakit? Kabilang kasi ako sa Red Cross Youth. Sige, sabihin niyo ng bias ako. Sige na! Sige. Hahaha. Saka nagresearch naman talaga ako tungkol sa kanya at medyo nakuha niya naman ang loob ko. Kaya sana, Mr. Gordon, kung mababasa mo man ito.. Please, kahit burger lang?

Hindi ko na tatalakayin ang iba pang mga binoto ko. May mainam sigurong akin na lang iyon at mag-antay na lamang sa resulta nito.

Noong natapos na ako ay inilagay ko na sa PCOS machine ang aking balota. Nag-antay ng ilang saglit upang sabihin sa akin na okay na at succesful ang pagboto ko. Pagkatapos noon ay lumabas na ako sa silid na iyon at hinanap ang aking ina.

Yung Picture picture sa taas. Sa bahay na iyan, pagkauwi. Remembrance sa pagiging perstaymer na voter ng bansang Pilipinas. Sana lang talaga ay naging tulong ang boto ko para sa inaasam na pagbabago sa bansang ito. Sana ho.

Ms. Kia Dyan Louren Serrano & Mr. Kim Paulo Rico Serrano.
Snapshots ng 3+3 ng kiyomi. :))
Ang kuleet namin no.
Akala mo close kaming magkapatid? Di naman masyado. :P
Pero feeling ko mahal naman namin ang isa’t isa, di lang masyadong naiexpress. E ganun e. Di kami showy. K.

Hey, I just met you,And this is crazy,But here’s my BABY,So call me, DADDY? ;))
—-May 14, 2013 na ngayon. Yung caption sa taas at ang picture ay napost noong mga April 25,203 pa yata. Gusto ko lang iEDIT at dagdagan ng daldal at drama kasi totally wala akong magawa ngayon. Gusto ko din maishare ang drama ng pamilya ko. 

PAGPAPAKILALA.
Ang karga kong batang iyan ay ang bunso sa tatlong anak ng aking kapatid sa ama. Yup, May unang asawa kasi ang aking ama. May tatlo din siyang anak doon. Yung bunso —- si kuya Vincent Serrano ang SALARIN kung bakit ako naging tagapag-alaga!!!!! Ang original na pangalan ng bata ay Jay-r Vincent Serrano. Bakit may original pa, Kuya Kim? Mamaya, iexplain ko kung bakit!
TATAY NA AKO?
Ganto kasi yan. Hindi nakatapos ng High School ang kuya Vincent ko. Nagpabaya sa pag-aaral. Nadala ng barkada. Oh thank God, di ako nagmana sa kanya! Ang sarap kaya mag-aral (LOL, kahit medyo mahirap at nakakapuya at etc..). Saka diba, may mga mabubuting kaibigan naman sa paligid, bakit kaya di siya nakahanap ng ganoon?… Balik sa gusto kong ipunto, ayun, dahil kapos sa edukasyon, hindi masyadong stable ang trabaho niya. Alam ko nagpipintura siya or tumutulong sa construction? Ay, basta, di kami ganun kaclose e. Dahil doon, di niya kayang sustentuhan at palakihin nang maayos ang kanyang pamilya.. KAYA NAMAN, binalak naming ampunin ang batang iyan. Malapit na kasi akong gumraduate, 2 years na lang. So, automatic, ako na ang magpapaaral sa kanya. Well, parang ako na din ang magiging ama. Hihi. Mang-aangkin? Hindi naman ho, natuwa lang talaga ako sa batang iyan. Mahal ko siya.
HINDI NA AKO ANG TATAY? DAFUQ?
Iniuwi namin sa Bikol si baby Jayvee noong April 29,2013. Iyon ang napagpasyahan kasi walang mag-aalaga sa kanya kapag pasukan na. Walang laging tao sa bahay kasi may trabaho sina Mommy at Daddy. ( Well, sa totoo lang, gusto kong Mama at Papa ang itawag sa kanila kapag gusto ko silang tukuyin habang kausap ang ibang tao pero kasi kinalakihan na namin Mommy at Daddy ang tawag. Pero awkward lang kasi ang feeling ko kapag may kausap akong iba. Feeling ko kasi pangmayaman ang Mommy at Daddy, e di naman kami mayaman.) May pasok din ako at yung kapatid ko. Ayun. Kaming tatlo ng Kapatid ko at si baby Jayvee ang umuwi sa Bikol. Sumakay kami sa Economy Class ng ALPS, airconditioned naman at may wifi kaya enjoy ang biyahe. Doon sa Bikol ay nag-aantay ang mga mother side relatives.
MAGALING MAG-ADAPT SI BABY.
Hindi naging iyakin si Baby Jayvee sa Bikol. Guess what, akala niya talaga siguro ay nanay niya ang tita namin (na tinatawag naming “Mama Jean”). May dalawang anak si Mama Jean, si Mikee at si Kylee. Nakakatuwa lang na palayaw ni Baby ay Jayvee. :)) Mikee, Kylee, Jayvee.
MAY INSTANT MOMMY SI JAYVEE?
May tita akong dalaga, na tinatawag namin “Mama Anne”. Librarian siya sa University of the Philippines Los Banos. Alam ko kasalukuyan siyang nag-aaral, ewan ko kung ano, baka masteral. Nalaman niya ang sitwasyon ni baby Jayvee. Naawa siya siyempre. E ngayon, binabalak niyang ampunin at ilipat sa “Ingua” (Middle Name ko yan, hihi). Oo, Ingua, sa pangalan ng aking titang dalaga. Hindi pa nabibinyagan ang bata. Ito pa ang isang issue, mali ang birthday na nailagay sa birthday certificate ni baby. Kasi late registered daw, tapos ang nailagay na date ay yung date na kung kailan sila nagregister? WHAT THE??? ANONG KLASE YUN? Kabobohan? Sorry ah. Naiinis lang talaga ako. Ayun, kaya balak ni Titang baguhin iyon, pati na rin ang pangalan ni baby Jayvee….. May kakilala kaming kumadrona, etc.. Basta sila na daw bahala.
ANG BAGONG PANGALAN.
"Jonas Bryant Malik Ingua." Yan ang planong pangalan na ipapalit sa Jay-r Vincent Serrano. Bale, JB ang palayaw niya. Pero gusto ko, Jayvee pa din ang spelling. :)) Sa June siya ipabibinyag.

ITUTULOY..

My dog “Chloe” with my nephew “Jayvee.”

My dog “Chloe” with my nephew “Jayvee.”

2 notes

Dancer. Sheet. XD

2nd Year. 1st Sem. Hmm. Presentation sa Humanities.

High School Musical Daw.

From the Left to Right: Rebel HIGH (Lester Dela Cruz), Sossy HIGH (Mariver Jean Basa), Nice GUY HIGH(Kim Paulo Rico Serrano, me? HAHA), Brainy HIGH (Jamillah Suringa) and MVP HIGH (Gio Jasper Jagrosa).